Tuesday, March 19, 2013

Life Update: Iyakan ba?

Life Update: Iyakan ba?: Ako iiyak? No! ...       Hay naku! mababawasan na naman kami... Mukha bang SUPLADO? Kagabi pa siya naghanda para ngayon. A...

Iyakan ba?




Ako iiyak? No! ...

     Hay naku! mababawasan na naman kami...



Photo: Nakakalungkot kapag kailangan mo nang magpaalam sa isa sa mga taong mahal mo. 'Yung naging parte ng buhay sa simula pa lang. Goodbye Kuya Jerel Cagas . We will miss you. Basta always remember na God will be on your back. Love you - Cagas Family and ACFC family.
Mukha bang SUPLADO?

Kagabi pa siya naghanda para ngayon. Aalis na siya at 'yun ang nakakalungkot :( Mababawasan ang ingay sa bahay, pati na rin 'yung mga makukulit. 'Yung nanlilibre kapag sweldo na at 'yung kuyang ayaw ng maingay, masyadong makulit at 'yung inakala ng lahat na SUPLADO. Wala na rin 'yung nag shashadow drums kapag nagpapatugtog kami sa bahay. Nakakamiss 'yun. Sana matuto din ako sa tamang panahon.


Hindi man kami ganun ka close pero 'di ba kapag magkapatid nagmamahalan? Syempre mamimiss ko siya. 'Yung mga hirit niyang HAVEY at WALEY. 


Sana ma-grow siya physically and spiritually sa Panginoon. Hindi niya pababayaan ang kanyang study kasi it's a big opportunity yet a GREAT blessing from above. ACFC family, specially the Worship Team will miss you a lot. Mabawasan ba naman ng ISA? 


Ganunpaman, alam kong we'll see each other again. God bless kuya and always remember that we LOVE you no matter what. 


(Hahaha... namuo na 'yung luha sa mga mata koO)


Bye kuya, hintayin mo ako sa May... Hahaha! Sige na, bago pa ko tuluyang umiyak.